Nirerespeto ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtutol ng iba’t ibang grupo sa naging pasya ng Korte Suprema na tanggalin ang Filipino subjects sa bagong General Education Curriculum.
Sa isang statement, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na inaasahan na nila ang paghahain ng motion for reconsideration ng mga kontra sa SC Ruling.
Pero sa ngayon, sinabi ni De Vera na patuloy na susunod ang CHED sa rule of law, at pag-aaralan ang panig ng education stakeholders habang hinihintay ang pinal na desisyon ng Supreme Court.
Sa pasya ng Korte Suprema, pinagtitibay nito ang constitutionality ng CHED memorandum no. 20 na nag-aalis sa Filipino, Pantikan at Philippine Constitution bilang core subjects sa undergraduate curriculum.
Ayon kay De Vera, ang naturang memo ng CHED ay inilabas noong June 28, 2013 at wala raw ni-isa sa kasalukuyang commissioners ang nasa pwesto nang ma-isyu ang memo.
Dahil dito, hindi alam ng mga commissioner ang context at kung ano naging diskusyon ukol sa basehan ng CHED memorandum.