Sa ikalawang araw ng pagsusulit, bar examinees nabawasan pa

Courtesy of MPD

Nabawasan pa ang bilang ng mga kumukuha ng bar exam ikalawang araw nito.

Ayon sa Office of the Bar Confidant ng Korte Suprema, 8,156 na lang ang kumuha ng Civil Law and Taxation Law exam nitong nagdaang Linggo.

Mas mababa ito ng dalawa mula sa 8,158 na nag-exam noong November 4 para sa mga subjects na Political Law and International Law at Labor Law and Social Legislation.

Nauna nang inihayag ng Korte Suprema na 8,701 ang kabuuang bilang ng pinayagang kumuha ng pagsusulit.

Sa November 18, nakatakdang sumalang ang law graduates sa mga subjects na Mercantile Law at Criminal Law.

Habang sa November 25, huling araw ng exams ay kukunin naman nila ang Remedial Law at Legal and Judicial Ethics and Practical Exercises.

Read more...