Nagbabala ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa posibleng maging epekto sa mga negosyo at trabaho ng planong pagsasara sa El Nido at Coron sa Palawan.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCCI na hindi lubhang maaapektuhan ang mga industry stakeholders sa mungkahi dahil sa kanselasyon ng mga bookings at reservations para sa mga susunod na buwan.
“Closing El Nido and Coron will not be good for business particularly for the legitimate industry stakeholders (i.e., hotels, resorts) who will suffer the most from cancellation of bookings and reservations for the coming months,” ayon sa PCCI.
Dahil dito, posible anilang maapektuhan ang mga kabuhayan at mga trabaho.
Inihayag ng DENR na 22 establisyimento na ang ipinasara sa El Nido bilang bahagi ng isinasagawang rehabilitation effort ng gobyerno.
Agad namang nagbibigay ng paglilinaw si Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na hindi buong isasara ang isla hindi tulad ng Boracay.
Sang-ayon ang PCCI kay Puyat at hinimok na lamang ang gobyerno na ipasara o patawan ng malaking multa ang mga establisyimento na mapapatunayang sumusuway sa environmental laws.
Hinikayat din ng naturang business group ang gobyerno na pag-aralan munang mabuti ang panukala at magsagawa ng dayalogo sa mga stakeholders bago ito ipatupad.