Diocese of Borongan wala pang natatanggap na impormasyon sa pagbabalik ng Balangiga Bells

Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na wala pang natatanggap na opisyal na impormasyon ang Diocese of Borongan tungkol sa pagbabalik ng makasaysayang Balangiga Bells.

Ito ay sa kabila ng mga ulat na ipinoproseso na ng Estados Unidos ang pagbabalik ng mga ito sa bansa.

Ayon kay Msgr. Pedro Quitorio, pinuno ng komite na nangangasiwa sa pagbabalik ng Balangiga Bells sa diyosesis, bukod sa mga nababasa sa mga balita, wala pa silang natatanggap na impormasyon tungkol sa magiging arrangement ng pagbabalik ng mga kampana.

“Except from what is read in the news, the parish of Balangiga, or the Diocese of Borongan, where the parish belongs, do not have any information regarding the veracity of the event or any arrangements regarding the bells’ return,” ani Quitorio.

Sa kabila naman anya nito ay handa na ang St. Lawrence the Martyr Parish sa pagbabalik ng Balangiga Bells.

Ang Balangiga Bells ay kinuha ng mga tropang Amerikano noong 1901 upang magsilbing tropeo sa naganap na Filipino-American war.

Inaasahang sa Disyembre darating ang Balangiga Bells sa bansa.

Read more...