Para mas mapalakas pa ang integridad at maiwasan ang katiwalian sa sangay ng Hudikatura, lumikha ng dalawang bagong tanggapan ang Korte Suprema.
Sa pamamagitan ng en banc resolution No. 18-01-5, inaprubahan ng Korte Suprema ang rekomendasyon ng Technical Working Group sa paglikha ng Judicial Integrity Board at Corruption Prevention and Investigation Office.
Ang JIB ang nakatalagang tumutok sa mga reklamo sa mga tiwaling justices, judges at court personnel.
Binubuo ito ng chairman, vice chairman, at tatlong appointed na regular members na may tatlong taon na termino.
Ang chairman at vice chairman ay kailangang retired justices ng SC habang ang 3 regular members naman ay dapat retired justice ng CA, SB, o CTA.
Habang ang CPIO naman ay ang oposina na syang magsasagawa ng lifestyle check sa kanila.