Fil-Am Jordan Clarkson nakapagtala ng season-high score sa laban ng Cavaliers kontra Hornets

NBA Photo

Nakapagtala ng season-high score na 24 ang Fil-Am na si Jordan Clarkson sa laban ng Cleveland Cavaliers at Charlotte Hornets.

Tinalo ng Cavaliers ang Hornets sa score na 113-89.

Ito ang ikalawang panalo ng Cavaliers sa kasalukuyang season.

Tumulong naman kay Clarkson si Tristan Thompson matapos makapagtala ng 21 rebounds.

Habang nag-ambag ng 18 points si David Nwaba.

 

Read more...