Ayon kay JBC Ex-officio member at DOJ Secretary Menardo Guevarra, maaring ipadala sa mga email address na jbc@sc.judiciary.gov.ph o kaya naman ay sa jbc87supremecourt@gmail.com ang mga sinumpaang komento o oposisyon.
Maari ding ipadala sa fax number na 02-552-9607.
Ang mga komento o oposisyon na matatanggap ng JBC ay ituturing na confidential at tatalakayin sa JBC en banc meeting sa Biyernes, November 16.
Bahagi ito ng paghikayat ng JBC sa publiko na lumahok sa pagpili ng iluloklok na susunod na chief justice ng supreme court.
Kabilang sa mga aplikante sina Supreme Court Justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes Jr.