14th month pay, cash gift, matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno mula bukas

DBM Photo

Good news para sa mga emplyado ng gobyerno!.

Simula bukas November 15, matatanggap na ang 14th month pay o year-end bonus at kanilang cash gift.

Ayon kay Department Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, ang year-end bonus at cash gift ay base sa budget circular no. 2016-4.

Nabatid na ang year-end bonus ay katumbas ng isang buong sweldo habang ang cash gift ay P5,000.

Samantala, ang 13th month pay at iba pang benepisyo, kabilang ang productivity incentives at Christmas bonuses ay excempted sa tax kung hindi ito lalagpas ng P90,000 batay sa Republic Act 10963 o TRAIN law.

Nabatid na naglaan ang DBM ng P29.7 bilyon na pondo para sa year-end bonus ng civillian personnel at panibagong P6.5 bilyon para sa military at uniformed personnel..

Samantala, naglaan din ang DBM ng P5.6 bilyon para sa P5,000 cash gift ng civilian personnel at P1.7 bilyon naman para sa cash gift ng MUPs.

Bukod sa mga nabanggit na bonus may productivity enhancement incentive na ipalalabas ng DBM simula Disyembre 15.

Read more...