Kapos na pasilidad problema pa rin ng K to 12

FILE PHOTO | Romblon East Central School

Dapat tugunan na ng gobyerno ang kakulangan sa mga pasilidad sa mga paaralan lalo na sa mga classroom.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Aniya hindi usaping legal ang problema sa pagpapatupad ng K to 12 program ng DepEd kundi ang kakulangan sa pasilidad.

Dagdag pa dito ayon pa kay Recto ang kakulangan ng mga guro para sa karagdagang dalawang taon na senior high school.

Pinuri naman ng senador ang pamunuan ng DepEd dahil sa mga hakbangin na matugunan ang mga isyu na minana lang nila sa nagdaang administrasyon.

Banggit nito higit sa 81,630 classrooms ang ginagawa pa rin sa ngayon bagamat matagal ng napondohan.

Sa isyu naman sa bilang ng mga guro, sa higit 188,000 teaching positions na nalikha noong 2016 hanggang nitong Agosto, higit sa 114 libo lang ang napunuan.

Binanggit pa ni Recto kada taon dapat ay may 10,000 bagong classrooms ngunit sa budget sa susunod na taon higit 4,100 lang ang maipapatayo.

Read more...