Pagbabalik ng Balangiga Bells sa Pilipinas kinumpirma ng Amerika

AP File Photo

Kinumpirma ng Estados Unidos na bukas, oras sa Amerika ang simula ng sermonya sa Wyoming para sa proseso ng pagbabalik sa Pilipinas ng Balangiga Bells.

Si US Defense Secretary James Mattis ang mangunguna sa seremonya na magiging hudyat ng pag-uumpisa ng proseso.

Sa pahayag ng US Embassy sa Maynila ang seremonya na dadaluhan ni Mattis ay gaganapin sa F.E. Warren Air Force Base sa Wyoming.

Matapos ang seremonya ay uumpisahan na ang proseso ng pagbiyahe ng mga bell sa bansa.

Una nang tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na magkomento hinggil dito at sinabing magsasalita lamang siya kapag nakita niyang nasa bansa na talaga ang Balangiga Bells.

 

Read more...