Naaresto na ang suspek sa road rage na nag-viral sa social media dahil sa paggamit ng suspek ng sasakyan na may plakang number 8.
Ang suspek na kinilalan si Jojo Valerio ay nadakip sa isang bar sa Tarlac City ng mga tauhan ng CIDG at Police Rregional Office 3.
Miyembro umano ng banda si Valerio na nagpeperform sa nasabing bar.
Ayon sa mga otoridad, natunton nila ang suspek matapos makakuha ng testigo mula sa Pampanga na nagkumpirma sa pagkakakilanlan nito dahil sa lumabas na viral video.
Sa nasabing video, makikita ang suspek na sinasaktan ang driver ng isang kotse.
Sa harapan ng SUV na minamaneho ng suspek ay may makikitang plate number 8.
Dinala na sa station 4 ng Angeles City Police Office ang suspek.
MOST READ
LATEST STORIES