Mexican presidents tumanggap umano ng lagay mula sa drug cartel ni El Chapo

Sa pagharap sa paglilitis sa korte sa New York ng drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman, ibinunyag ng kampo nito ang pagtanggap ng mga presidente sa Mexico ng pera mula sa kaniyang drug cartel.

Nahaharap si El Chapo sa 11 kaso ng trafficking, firearms at money laundering sa naturang korte.

Sa opening statement sa paglilitis itinuro ni El Chapo ang isang Mayo Zambada na siya umanong totoong nasa likod ng drug cartel.

Sinabi pa ni El Chapo na sinuhulan ni Zambada ang lahat kabilang ang kasalukuyan at dating pangulo ng Mexico na sina President Enrique Peña Nieto at dating Presidente Felipe Calderon.

Kapwa naman itinanggi nina NIeto at Calderon ang akusasyon.

Read more...