Dahil sa lumalakas na consumer market sa bansa, interesado na ngayon na maglagak ng negosyo ang mga mamumuhunan mula sa Singapore, Indonesia at Malaysia.
Ayon kay Philippine Ambassador to Singapore Joseph Delmar Yap bumuo na ng delegasyon ang Singapore para magpunta sa Pilipinas at pag-aralan kung anong mga negosyo ang pwede nilang paglagakan ng puhunan.
Target aniya ng mga negosyante ang mga nasa middle class.
Ayon kay Yap, isa sa mga ikinukunsidera rin ng mga negosyanye ang lumalakas na ekonomiya ng Pilipinas kung saan pumapalo sa 6 percent ang gross domestic product.
Sinabi naman ni DTI Sec. Ramon Lopez na target ng Singaporean businessmen na mamuhunan sa larangan ng services, finance related business, technology at manufacturing.
Ayon pa kay Lopez, maliban sa Singapore ay interesado ring mamuhunan sa Pilipinas ang mga negosyante sa Indonesia at Malaysia.