Ang “face blindness” ay isang cognitive disorder kung saan hindi maalala ng isang tao ang lahat ng mukha na kanyang nakikita at nakikilala.
Refreshing ang akting ni Rhian sa “Kung Paano Siya Nawala” at makikita ang kagandahan ng kanyang mukha ngunit may nakaraan na pinagdaanan.
Bawat eksena ay binigyan ng Kapuso actress ng sarili nyang taste. Effortless din at magaan ang presensya at mararamdaman ang lalim nya bilang isang aktres.
Malakas naman ang chemistry ng dalawang bida sa pelikula na first time nagsama. Matapos ang ilang taon ay ito ang pagbabalik ni JM sa pelikula.
“It was a pleasure working with JM. I really felt his passion and dedication for his work. And we really developed a good relationship on set.”
Hindi lang basta aktres ang ginampanan ni Rhian sa pelikula dahil isa rin syang executive producer.
At nang makausap sya ng programang Wow It’s Showbiz, ay sinabi nitong naniwala sya sa materyal kaya nag-risk sya na mag produce.
Una ring ibinalita ng leading lady-producer sa aming programa na marami syang “first” na ginawa para sa pelikula.
“Ever since I read the script, I’ve long been dreaming of making this movie. It was a dream come true. Everything happened in the best way possible. We really became a team and a family, and pulled towards the same goal in the end.”
Maraming kaabang-abang na eksena sa pelikula. Kasama rin sina Agot Isidro, Barbara Ruaro, at Ricky Davao.
Produced ng TBA Studios, showing na ang “Kung Paano Siya Nawala” sa lahat ng sinehan sa bansa.