Wildfire sa Northern California posibleng abutin ng Disyembre bago tuluyang maapula

Photo: US Forest Service

Umabot na sa 42 ang nasawi at marami pa ang nawawala sa nagpapatuloy na wildfire sa Northern California.

Ayon sa mga otoridad, bagaman naawat na ang pagkalat ng apoy ay imposibleng tuluyang maapula ito ngayong buwan.

Sa Paradise Town na pinakaapektadong lugar patuloy ang paghahanap ng mga forensic team sa katawan ng mga nasawi.

Nasa mahigit 96,000 acres pa ang lawak ng nasusunog na lugar.

Sa bahagi naman ng Hill Canyon at Santa Rosa sa Ventura County nasa 4,531 acres ang tinutupok ng apoy.

 

Read more...