M4.8 na lindol naitala sa Catanduanes

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bahagi ng Catanduanes ala-1:33 kaninang madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 95 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Gigmoto.

May lalim na 53 kilometro ang pagyanig.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring pinsala sa mga ari-arian ang naitala bunsod ng lindol.

Read more...