Commitment sa Code of Conduct sa South China Sea muling tiniyak ng Pilipinas

Iginiit ng Pilipinas na mananatili ang commitment nito para sa pagbuo at implementasyon ng Declaration on the Conduct of Parties sa South China Sea.

Sa working dinner kasama ang kapwa mga lider ng ASEAN, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin ang lahat para mapabilis ang pagtatapos ng negosasyon para sa code of conduct sa kontrobersyal na teritoryo.

Ang Pilipinas ay ang tumatayong dialogue coordinator sa pagitan ng ASEAN at China para sa mga isyu sa South China Sea.

Sinabi ni Duterte na mapayapang reresolbahin ang mga sigalot alinsunod sa itinatakda ng 1982 UN Convention on the Law of the Sea.

“This includes the peaceful settlement of disputes, the exercise of self-restraint, and the freedom of navigation and overflight in accordance with international law, especially the 1982 UN Convention on the Law of the Sea,” ani Duterte.

Ang pagbuo sa Code of Conduct para sa South China Sea ay layong maiwasan ang mga kaguluhan dahil sa territorial claims na magdudulot ng krisis lalo na sa ekonomiya.

Ngayong Miyerkules, nakatakdang magsagawa ng dayalogo ang ASEAN leaders at si Chinese Premier Li Keqiang tungkol sa isyu sa terirtoryo.

Read more...