Tulak ng marijuana patay sa engkwentro sa Bulacan

Napatay sa isang police operation sa Paombong, Bulacan ang isang lalaking nagbebenta ng marijuana.

Ayon sa mga otoridad, isang joint drug buy bust operation ang ikinasa ng Bulacan Provincial Police at Paombong Municipal Police laban sa suspek na kinilala lamang sa alyas na Joseph.

Naganap ang transaksyon sa kahabaan ng Provincial Road na sakop ng Barangay Sto. Niño.

Matapos magkaabutan at nakuha ng mga pulis ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana ay nakatunog si alyas Joseph na pulis pala ang katransaksyon.

Agad na bumunot ng isang kalibre .38 revolver ang suspek at nakipagbarilan sa mga pulis na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Bukod sa baril ni alyas Joseph ay nakuha rin ng mga otoridad ang isang motor na ginagamit ng suspek sa kanyang mga transaksyon.

Read more...