2 pang bangkay nakuha sa Natonin landslide

CREDIT: MPSDEO-DPWH

Dalawa pang katawan ang nakuha sa landslide na naganap sa Natonin. Mountain Province sa kasagsagan ng Bagyong Rosita.

Dahil dito ay umabot na sa 20 ang bilang ng kumpirmadong nasawi sa trahedya.

Samantala, mayroon ding kaliwang binti, kaliwang braso at bituka ng tao ang nakuha sa ground zero sa Barangay Banawel.

Ayon kay Natonin Mayor Mateo Chiyawan, nakipag-ugnayan na siya sa lokal na pamahalaan ng Alfonso Lista, Ifugao para sa pagpapalibing sa mga hindi nakilalang katawan na nakuha noong nakaraang linggo.

Nagpagawa na si Alfonso Lista Mayor Glenn Prudenciano ng mga nitso para sa tatlong biktima na hindi pa nakikilala.

Nagpapatuloy ang search and retrieval operations sa kabila ng kakulangan sa kagamitan ayon kay Chiwayan.

Patuloy na pinaghahanap ang walo pang nawawalang biktima kabilang ang limang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit.

Read more...