Nagpahiwatig si Philippine National Police (PNP) Chief Ricardo Marquez na hindi magsasagawa ng signal jamming sa mga cellphone kasabay ng APEC leaders’ meeting sa susunod na linggo.
Sa panayam kay Marquez sinabi nito na walang indikasyon na uulitin nila ang pagpatay ng cellphone signal na ginawa nang bumisita sa bansa si Pope Francis noong nakaraang buwan ng Enero.
Ngunit paglilinaw ng opisyal wala pang pinal na plano ukol sa signal cut off sa mga lugar kung saan isasagawa ang pulong at maging sa mga hotel na tutuluyan ng mga delegado.
Giit pa ni Marquez kailangan kasing timbangin ang kaligtasan ng mga darating na mga foreign officials at ang abala na idudulot naman sa publiko ng mga hakbang na kanilang gagawin.
Sa ilang mga international events ay naging isyu ang cellphone signal dahil ginagamit ang ilang mga mobile phones bilang trigerring device ng ilang mga Improvised Explosive Materials (IED).