Sumugod ang grupong “Selda” kasama ang ilang biktima ng martia law sa harap ng Sandiganbayan para igiit sa mga mahistrado na panindigan ang kanilang guilty verdict laban kay dating unang ginang Imelda Marcos.
Binatikos rin ng grupo si PNP Chief Oscar Albayalde matapos sabihin nito na kailangan ikunsidera ang edad ni Marcos sa pagdakip sa dating unang ginang.
Ayon kay Trinidad Herrera-Repuno, chairperson ng Selda, habang ikinukunsidera ni Albayalde ang edad ng dating unang ginang, dumalo pa ito sa birthday party ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Panawagan ng grupo, ikulong si Marcos, dahil kung hindi ito magagawa ng Sandiganbayan sa kabila ng guilty verdict nito, mawawalan ng tiwala ang mamayan sa korte.
MOST READ
LATEST STORIES