LOOK: Mickey mouse icon makikita sa mga traffic lights sa Metro Manila

MMDA photo

Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Walt Disney Company, Philippines at binago ang aabot sa 90 traffic lights sa Metro Manila at ginawang kahugis ng icon ni Mickey Mouse sa halip na simpleng bilog lamang.

Ayon sa MMDA, layon ng proyekto na magbigay good vibes sa mga bumibiyahe lalo pa at kilala si Mickey Mouse na naghahatid ng kasiyahan sa mga bata.

Bahagi din ng ito ng pagdiriwang sa nalalapit na holiday season.

Ang paglalagay ng icon ni Mickey Mouse sa 90 traffic lights sa Metro Manila ay bahagi ng pagdiriwang ng Disney Philippines sa ika-90 anibersaryo ni Mickey Mouse.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, kahit grabe ang traffic sa Metro Manila, maghahatid ng ngiti sa mga motorista kapag nakita nila ang Mickey Mouse icon sa traffic lights.

Ang Mickey Mouse stoplights ay matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, gaya ng Makati, Mandaluyong, Manila, Muntinlupa, Paranaque, Quezon City, at San Juan.

Read more...