Sa ilalim ng inaprubahang panukala, nakasaad na bibigyan ng tax amnesty ang mga hindi nakapagbayad ng buwis noong taong 2017 at mga nauna pang taon.
Ang taxpayer na gustong makakuha ng amnestiya ay dapat na magbayad ng 8% ng kanilang net worth sa taong 2017.
Ginagawa na ring simple ang pagpapataw ng buwis sa layuning iwasan ang katiwalian at mapalakas ang koleksiyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng taxpayer base.
Samantala, inaprubahan na rin ng ways and means ang committee ang fiscal mining regime na nalalatag ng mekanismo para matiyak na makukuha ng gobyerno ang patas na buwis sa kita mula sa pagmimina.
MOST READ
LATEST STORIES