Major disaster declaration sa California inaprubahan ni Trump

Inaprubahan ni US President Donald Trump ang pagdedeklara ng major disaster sa California.

Ito ay kasunod ng pinsala na idinulot ng malawakang wildfire na nagaganap doon.

Ayon kay Trump, inaprubahan na niya ang request para sa Major Disaster Declaration.

Sa ganitong paraan mas mapapabilis aniya ang pagtugon sa kalamidad.

Tiniyak din ni Trump na kaisa siya ng mga naapektuhan ng wildfire.

Read more...