One strike policy paiiralin sa mga opisyal ng NFA na mabibigong ipatupad ang SRP sa bigas

DA Photo

Tiniyak ni Department of Agriculture Sec. Manny Piñol na paiiralin ang one strike policy sa mga opisyal ng National Food Authority (NFA) kapag nabigo silang ipatupad ang Suggested Retail Price (SRP) sa bigas sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.

Ayon kay Piñol, agad sisibikin at ilalagay sa floating status ang mga opisyal.

Ito aniya ang kaniyang naging direktiba kay Acting NFA Administrator Tomas Escarez sa launching ng regional SRPs sa Ormoc City noong Biyernes.

Pinayuhan ni Piñol ang mga provincial manager ng NFA na gawin ang kanilang responsibilidad at tiyaking lahat ng retailers ng bigas ay nakasusunod sa guidelines na itinakda ng NFA Council.

Kabilang dito ang pag-aalis ng mga karatulang “Senandomeng” at “Super Angelica” sa mga ibinebentang bigas.

At gayundin ang pagtupad sa napagkasunduang SRPs sa regular milled, well-milled at premium na bigas.

Read more...