Pero ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iiwasan na muna ng Palasyo na magbigay ng karagdagang komento dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin ang nagsabi na hindi pa maituturing na naibalik na ang Balangiga bells hanggang hindi nakararating sa bansa ang pinakahuling piraso nito.
Dagdag pa ni Panelo na sa ikalawang State of the Nation Address, sinabi ng pangulo na nais niyang maibalik sa bansa ang Balangiga bells dahil simbolo ito ng kabayanihan ng mga Filipino.
Ang Balangiga bells ay ang tatlong church bells na kinuha ng United States Army sa simbahan ng Balangiga Eastern Samar 1901 bilang war trophies sa Philippine American War.
Isa sa mga church bells ay nasa South Korea habang ang dalawa ay nasa 11th infantry regiment sa F.E. Warren AiF force Base sa Wyoming sa Amerika.