Barangay captain na nanggulpi ng bintilyo sa Maynila humarap na sa DILG

Humarap na kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño si Barangay 350 Chairman Felipe Falcon, Jr.

Ito ay matapos siyang ipatawag na ni Usec. Diño sa kanyang tanggapan.

Ayon kay Diño, dumating si Falcon bandang alas-8:35 ng umaga. At matapos umanong makapagpaliwanag, pormal itong naghain ng 15 araw na leave of absence.

Malayang nakauwi si Falcon dahil wala pang arrest warrant na nakahain laban sa kanya.

Si Falcon ay ‘di umano’y nambugbog ng 16 anyos na binatilyo sa loob ng baranggay hall sa Sta. Cruz, Maynila.

Read more...