Executive Secretary Salvador Medialdea itinalagang OIC ni Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer-in-charge (OIC) ng gobyerno habang siya ay nasa Singapore at Papua New Guinea.

Nilagdaan ng pangulo ang Special Order 1265 noong Biyernes kung saan nakasaad na si Medialdea ang OIC mula November 12 hanggang 18.

Bilang OIC, si Medialdea ang in-charge sa araw-araw na operasyon ng Office of the President at siyang mangangasiwa sa general administration ng Executive Department.

Lunes ng gabi nang umalis si Pangulong Duterte papuntang Singapore para sa 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin mula Martes hanggang Biyernes.

Pagkatapos nito ay pupunta ang pangulo sa Papua New Guinea sa Biyernes para naman sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting.

Sa Linggo ng gabi nakatakdang bumalik ang pangulo sa bansa.

Read more...