Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

Naramdaman ang isang pagyanig sa bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat ngayong gabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang magnitude 4.7 na lindol kaninang alas-10:49 ng gabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 27 kilometro timog-kanluran ng nabanggit na bayan.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Batay sa report na inilabas ng ahensya, naitala ang Instrumental Intesity I sa Tupi, South Cotabato.

Wala ring inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, maging aftershocks dahil dito.

Read more...