Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang March 22, 2019 bilang “Emilio Aguinaldo Day” bilang pag-alala sa ika-150 na kaarawan ng unang pangulo ng bansa.
Nakasaad sa Proclamation No. 621 ang deklarasyon ng March 22, 2019 bilang Aguinaldo Day.
Dahil sa proklamasyon ay may mandato ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) bilang pangunahing ahensya ng gobyerno para sa 150th birthday ni Aguinaldo.
Maaaring mag-convene ang NHCP ng inter-agency task force para sa pagpa-plano, pakikipag-ugnayan at implementasyon ng lahat ng programa, proyekto at aktibidad kaugnay sa naturang okasyon.
Hinimok ang lahat ng departamento, ahensya, bureau, mga tanggapan, national government agencies, local government units at government-owned-controlled corporation na suportahan at tulungan ang NHCP sa obserbasyon ng nasabing selebrasyon.