Inihirit ni Senador Risa Hontiveros na maimbestigahan sa Senado ang mga alegasyon ng kamanyakan sa ilang kandidata ng Miss Earth.
Sa inihain niyang Senate Resolution No. 932, hiniling ng senadora na atasan ng pamunuan ng Senado ang tamang komite na imbestigahan ang mga alegasyon.
Ayon kay Hontiveros dapat mayroong ‘zero tolerance’ sa lahat ng uri ng sexual harassement.
Pagdidiin ng senadora, walang lugar para sa sexual harassment lalo na sa mga beauty pageants, kung saan sinasabing pinahahalagahan ang kakayahan at kahalagahan ng kababaihan.
Sinabi pa ni Hontiveros na ang responsable sa mga insidente, kung totoo man aniya na nangyari, ay sa mga organizers at sa inaakusahan.
MOST READ
LATEST STORIES