Residential area sa Quezon City nasunog

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naganap sa isang residential area sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang tatlong palapag na gusali na pag-aari ng isang Mel Sanchez.

Nabatid na under construction ang gusali at isa ito sa mga tinitingnang dahilan ng mga otoridad na pinagmulan ng pagliliyab na tuluyang naapula bandang alas-3 ng madaling araw.

Sa kabuuan, apat na bahay ang nadamay dahil sa sunog at P75,000 ang tinatayang halaga ng pinsalang dulot nito.

Tatlong pamilya naman ang kinailangang ilikas dahil sa insidente.

Nasugatan naman sa pag-apula sa sunog ang isang kawani ng BFP na si FO3 Albert Salita na nagtamo ng paso sa kamay.

Maswerte namang walang nasawi dahil sa insidente.

Read more...