Ikalimang linggo ng oil price rollback epektibo na ngayong araw

Kasado na ngayong araw ng Martes ang ikalimang sunod na linggo ng bigtime oil price roll back.

Simula mamayang alas-6 ng umaga, ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang tapyas-presyo.

Kabilang dito ang Metro Oil, PetroGazz, at Phoenix Petroleum na may P2.50 rollback sa kada litro ng gasolina, at P2 kada litro para naman sa diesel.

P2.30 naman ang kaltas ng Caltex, Eastern Petroleun, Jetti, PTT, Flying V, SeaOil, at Shell para sa kanilang gasolina.

Mababawasan din ng P1.85 ang presyo ng bawat litro kerosene.

Read more...