Mga APEC delegates hindi gagamit ng wang-wang

convoy
Inquirer file photo

Hindi exempted sa “no wang wang ” policy ang mga head of state na dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC summit sa susunod na linggo.

Sinabi ni APEC National Organizing Council Director General Ambassador Marciano Paynor Jr. na walang dahilan para gumamit ng sirena para manghawi ng mga sasakyan sa lansangan dahil naglaaan sila ng daanan para lamang sa mga darating na world leaders.

Lahat aniya ng mga pinoy alam na bawal ang paggamit ng wangwang at ito ay magandang polisiya ng gobyerno kaya ipapatupad nila ito kahit sa mga dadalong lider ng mga APEC economy.

Binigyang-diin ni Ambassador Paynor na ang tanging pinapahintulutang gumamit ng wangwang ay mga ambulansiya, trak ng bumbero at mga sasakyan ng mga pulis kapag may emergency.

Si Pangulong Benigno Aquino III ang nagpatupad ng no wangwang policy bilang bahagi ng reporma at pagbabagong ipinatupad sa ilalim ng daang matuwid program ng pamahalaan.

 

Read more...