
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Undersecretary Jesus Melchor Quitain bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP).
Pansamantalang papalitan ni Quitain si Christopher ‘Bong” Go na nagbitiw bilang Special Assistant to the President para tumakbong Senador sa 2019 elections.
Nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang memorandum na nagtalaga kay Quitain bilang SAP epektibo noong November 9.
Si Quitain ay nagsilbing administrator ng Davao City noong si Duterte ang Mayor ng lungsod.
Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ng pangulo na si Police Sr. Insp. Sofia Loren Deliu ang papalit kay Go bilang kanyang personal aide.
Si Deliu na sumali sa Miss Earst 2015, ay aide-de-camp ni Duterte mula noong maupo ito sa pwesto noong 2016.