Inirekomenda na ng National Bureau of Investigation ang pagsasampa ng kaso laban Kay dating Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Kaugnay ito ng imbestigasyon na isinagawa ng NBI sa 105 container va na naglalaman ng ceramic tiles na nawala sa BOC sa kabila ng alert order na pumipigil sa paglabas nito.
Sa memorandum order ng NBI, inirekomenda nito Ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act Laban kay Lapeña.
Bukod Kay Lapeña, pinasasampahan din ng kaparehong kaso ang isang John Doe.
Si Lapeña at ang nabanggit na John Doe ay nahaharap din sa kasong administratibo kaugnay ng gross neglect of duty at grave misconduct.
Una rito, ipinag-utos ni Lapeña ang paghahanap sa mga container at sinabing 85 dito ang narekober sa isang bodega sa Meycauayan City sa Bulacan.