Sa Pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na aktibo na naman ang nasabing grupo dahil papalit na ang panahon ng halalan.
Karaniwan umano ng mga pulitiko rin ang suki o kumukuha sa serbisyo ng kanilang mga naarestong suspek.
Sinabi ni Albayalde na grupo ni Ricardo Peralta ay nag-ooperate sa mga lalawigan sa Northern at Central Luzon pati na rin sa Metro Manila.
Ang kuta ni Peralta ay sinalakay ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group sa bayan ng Echague, sa Isabela kung saan ay nahuli doon ang isa pang suspek na si Raymond Dequina na nahulihan ng granada at isang shotgun.
Bagaman nakatakas si Peralta sa nasabing raid ay ipinapatuloy ng PNP-AKG ang kanilang operasyon laban sa grupo.
Sa sumunod nilang operasyon ay nalambat ang mag-asawang Dennis Matias at Mary Anne Mallare sa Lagro, Quezon City noong October 29 kung saan ay nakakumpiska rin ng matataas na kalibre ng baril ang mga pulis.
Sa pagpapatuloy ng pagtugis sa mga suspek ay naaresto naman sina John Lania at Jackie Isidro na pawang mga kasabwat rin ng grupo sa kanilang iligal na gawain.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang PNP sa ilang mg pulitiko na sinasabing target ng grupo samantalang isinasailalim pa rin sila sa interogasyon para kilalanin ang mga taong kumukuha sa kanilang serbisyo.