Naniniwala si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magkakaroon ng mas magandang epekto sa bansa at China ang pagbisita sa Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping ngayong buwan.
Ayon kay GMA mas magiging matatag ang maganda ng relasyon ng Pilipinas at China kasunod ng nakatakdang pagdating ng lider ng China.
Sinabi nito na bukod sa pagpapalalim ng pundasyon ng bilateral relations ay makatutulong aniya sa Pilipinas ang trading partnership at ang malawak na kakayahan ng China sa infrastructure development.
Mahalaga ayon sa pinuno ng Kamara ang favorable status ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon dahil kaibigan ang turing ng China kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi anya malabong maabot ng China ang layunin na maging largest economy sa buong mundo lalo’t ito ang pinakamabilis sa pag-unlad kaya marapat lang na makipagkaibigan ang gobyerno.
Idinagdag pa nito na walang ibang bansa na makapapantay sa track record ng China sa infrastructure capabilities na lubhang mahalaga para sa Pilipinas sa mga susunod na taon.