Barbers: Jimmy Guban hindi dapat inilagay agad sa WPP

Inquirer file photo

Hindi pabor si House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers na mapasailalaim na sa Witness Protection Program si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban.

Ayon kay Barbers, hindi pa napapanahon ang paglalagay sa WPP ng gobyerno si Guban dahil wala pa naman itong malalaking pangalan na sinasabing nasa likod ng smuggling ng droga.

Sinabi nito na kailan munang magbigay ng matitibay na ebidensya si Guban may kaugnayan sa kalakaran ng droga bago ito isailalim sa WPP.

Kailangan din anyang magtestify under oath si Guban para ilahad ang pangalan ng mga sangkot sa droga.

Bukod dito dapat anyang mayroon munang kaso laban dito at siya ang lalabas na least guilty upang mapasailalaim sa WPP.

Duda si Barbers na si Police Supt. Eduardo Acierto lamang ang nasa likod ng smuggling ng droga dahil ayon dito posibleng may heneral o kaya naman ay iba pang malalaking tao.

Magugunitang inirerekomenda ng Senado na isinailalim sa WPP si Guban dahil sa mga isiniwalat nito sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Read more...