Kumpiyansa si Sen. JV Ejercito na darating ang panahon wala ng informal settlers o mga squatters sa bansa.
Ito ay dahil malapit nang maging batas ang Department of Human Settlements and Urban Development, na nagtatakda na magkaroon ng sariling departamento na nakalaan para sa pabahay.
Ayon sa senador, aabot sa 1.2 milyon unit ng bahay ang kinakailangan pang itayo ng pamahalaan para sa mga mahihirap ng Pinoy na walang sariling bahay.
Suportado naman ng National Housing Authority ang pagkakaroon ng iisang departamento na tututok sa proyektong pabahay ng pamahalaan.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na dapat maging prayoridad ang pamahalaan ang nasabing isyu dahil sa patuloy na pagtaas ng populasyon ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES