Keanna Reeves inaresto dahil sa cyber libel

Inaresto ang aktres na si Keanna Reeves o Janet Derecho Duterte sa tunay na buhay dahil sa kasong cyber libel.

Si Reeves ay inaresto sa isang bahay sa kant0 ng Timog Avenue at Scout Ybardolaza sa Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Laguna Regional Trial Court Branch 34 Judge Mari Florencia Formes-Baculo.

Wala pang inilalabas na detalye ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa detalye ng complainant at laman ng reklamo laban sa aktres.

Kaagad na dadalhin sa lalawigan ng Laguna ang aktres para sa kaukulang proseso.

Samantala, Inirekomenda naman ni Judge Baculo ang halagang P200,000 para sa pansamantalang paglaya ng ni Reeves.

Read more...