Ito ay para sa susunod na linggo ay maipasa na ang naturang panukala sa ikatlo at pinal na pagbasa ang National Expenditures Program (NEP).
Aminado naman si Campostela Vallery Rep. Maria Carmen Zamora, pangunahing sponsor ng national budget at senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations na hindi nila maipapasa ngayong lingo sa third at final reading ang House Bill no. 8169.
Paliwanag ni Zamora ito ay dahil marami pa silang amendments na gagawin dito dahil na rin sa kahilingan at napagkasunduan noong debate sa panukala gayundin ang maraming concerned ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno.
Tiniyak naman ng kongresista na pipirmahan ni Pangulong Duterte ang P3.757 trillion national budget para sa 2019 bago matapos ang taon.