Sa inihain niyang Senate Bill 2084, nais ni de Lima na mabigyan ng medical parole o compassionate parole ang mga kuwalipikadong may sakit na preso o detenido.
Ngunit sinabi ng senadora na kailangang matukoy muna na ang preso ay hindi na magiging banta sa lipunan bago ito mabigyan ng medical parole.
Base sa panukala ang maaring mabigyan ng medical parole ay ang mga preso na may malubha ng karamdaman at hindi na kayang alagaan pa ang kanilang sarili.
Nakasaad din nito, ang ibibigay na medical parole ay maaring kontrahin ninuman o ng anuman partido base sa pagdududa na inaabuso lang ang naturang batas.