Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lugar sa Mindanao

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area.

Alas 6:10 ng umaga nang itaas ang yellow warning sa mga sumusunod na lugar:

– Lalawigan ng Camiguin
– Mga bayan ng Talisayan, Balingoan, Kinoguitan, Sugbongcogon, Magsaysay sa Misamis Oriental
– Mga bayan ng Kapalong, San Isidro, Asuncion, New Corella sa Davao del Norte

Ayon sa PAGASA, ang malakas na pag-ulan na nararanasan sa nasabing mga lugar ay maaring magdulot ng pagbaha.

Muli naman namang maglalabas ng abiso ang PAGASA sa nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng Midanao sa susunod na dalawang oras.

Read more...