2 sugatan sa pagsabog ng granada sa Cotabato

Dalawang sibilyan ang sugatan makaraang masabugan ng inihagis na granada sa bahagi ng Pikit, Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Kim John Canada at Toto Montecino.

Ayon sa mga residente sa lugar, may naghagis ng granada sa bahagi ng isang tindahan alas 7:00 ng gabi ng Linggo, Nov. 11.

Pinaniniwalaan na ang municipal treasurer ng Pikit na si Ariel Cabañog ang target ng pagpapasabog dahil ang bahay nito ay hindi kalayuan sa blast site.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pag-atake.

 

Read more...