Border guard posts sa North at South Korea inumpisahan nang baklasin

EPA Photo

Inumpisahan na ng South at North Korea ang pagsira sa nasa 200 guard posts na nakatayo sa kanilang border.

Ito ay bahagi ng pagpapababa ng tensyon sa pagitan ng North at South Korea.

Sa ilalim vng naging kasunduan, mag-iiwan na lamang sila ng tig-isang guard post sa lugar.

Mayroong 60 post ang South Korea sa border habang nasa 160 naman ang guard post ng North Korea.

Read more...