P2.50/L na bawas sa gasolina at P2/L na bawas sa diesel epektibo bukas, Nov. 13

UPDATE: Nag-anunsyo na ng halaga ng ipatutupad na bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Unang nag-anunsyo ang kumpanyang Petro Gazz kung saan aabot sa P2.50 kada litro ang ibabawas nito sa presyo ng kanilang gasolina at P2 naman kada litro sa presyo ng diesel.

Epektibo ang rollback bukas, araw ng Martes, Nov. 13.

Samantala, ang mga kumpanyang PTT, Eastern Petroleum at Shell magpapatupad din ng big time rollback bukas.

Sa kanilang anunsyo, P2.30 ang ibabawas sa bawat litro ng gasolina, P2 sa bawat litro ng diesel at P1.30 sa bawat litro kerosene.

 

Read more...