Appointment ni Honasan bilang DICT Secretary hindi na kukwestunin ng CA ayon sa isang mambabatas

Kumpyansa ang isang mambabatas na madaling makalulusot sa Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga kay Senador Gringo Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology.

Ayon kay dating CA majority leader at kasalukuyang Isabela Representative Rodito Albano III, tila isa nang tradisyon para sa isang miyembro ng Kongreso na ma-confirm agad kung itatalaga ng punong ehekutibo sa anumang posisyon.

Ayon pa kay Albano, tama ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalagay kay Honasan sa DICT.

Paliwanag ng mambabatas, marami nang karanasan at may sapat na kaalaman si Honasan, bukod pa sa kanyang ‘sound judgment’ upang gampanan ang trabaho bilang kalihim ng DICT.

Dagdag pa nito, tiyak na maitutulak ni Honasan ang mga polisiyang kailangan ng bawat isang Pilipino.

Read more...