Drug den sinalakay ng mga pulis sa Quezon City

Arestado ang tatlo katao, kabilang ang isang babae matapos magsagawa ng isang buy bust operation ang mga pulis sa loob ng isang drug den sa Barangay E. Rodriguez, sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Juhari Ampoan, Jamail Demacore, at Marie Grace Velasco.

Nasamsam mula sa mga drug suspek ang sampung sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Nabatid na sina Ampoan at Demacore ang nagtutulak ng iligal na droga at may-ari ng sinalakay na bahay na nagsisilbing drug den, habang si Velasco ay isa sa kanilang mga parokyano.

Dahil dito ay mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...