Magkaiba ng pananaw ang tagapagsalita ng Commission on Election (COMELEC) at isang aspirant sa pagka-senador tungkol sa usapin kung maaari bang tumakbo ang isang convicted na pulitiko sa eleksyon.
Sa isang media forum, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na ang mga pulitikong hindi maaaring tumakbo sa anumang posisyon ay iyong mga mayroong final conviction mula sa Supreme Court.
Ngunit ayon kay Conrado Generoso na isang senatoriable mula sa Katipunan Party, isang pag-abuso sa due process ang pagtakbo ng isang convicted politician.
Giit ni Jimenez, nakasaad sa batas na mayroon pang legal remedy ang isang taong convicted sa mababang korte at karapatan ito ng sinuman.
Kaya naman tumugon si Generoso na mali ang kasalukuyang batas ukol sa isyu.
Aniya, ang dapat na manaig ay ang interes ng publiko at hindi ang pansarili.